Paano i-setup ang Suki Cards sa store, i-train ang staff, at palaguin ang customer base
Ang Suki Cards ay digital loyalty card platform na may 8 powerful card types. Naka-install sa Apple Wallet o Google Wallet ng customer — walang app na ido-download.
Stamps, Cashback, Discount, Membership, Coupon, Rewards, Multipass, at Gift Card.
Directly nasa phone wallet ng customer ang card. Walang app na ido-download.
Customers na naka-register ay 3x more likely na bumalik. Nasa bulsa nila ang card forever.
Alam mo na kung sino ang regular, kung sino ang matagal nang hindi bumibisita, at kung ilan ang customers mo.
Bago i-train ang staff, i-setup muna ang loyalty card sa Suki Cards dashboard.
Pumunta sa app.suki.cards at mag-login sa dashboard mo.
I-click ang "Create New Card" at piliin ang card type na bagay sa business mo — Stamps para sa café, Cashback para sa salon, Membership para sa gym, Gift Card para sa spa, etc.
I-upload ang logo, piliin ang brand colors, i-set ang reward rules, at i-save.
I-download ang ready-to-print na poster na may QR code mo. O i-download lang ang QR code kung gusto mong gumawa ng custom poster.
I-print sa A4 o A5 size. Ipakita kung saan makikita ng customers — counter, cashier, mesa, entrance.
Ang Scanner App ang ginagamit ng staff para mag-credit ng visits, stamps, at rewards sa customer cards. I-install sa bawat store device (phone o tablet) na ga-handle ng customers.
Hanapin ang "Suki Cards Scanner" sa App Store o Google Play. O buksan ang help.suki.cards/docs/how-it-works/ sa store device para sa direct download links.
Buksan ang app, mag-login gamit ang staff account credentials na ginawa mo sa Suki Cards dashboard. Huwag i-share ang owner credentials.
Kailangan ng app ng camera access para mag-scan ng QR codes. I-tap ang Allow kapag nag-prompt.
Mag-scan ng kahit anong loyalty card mo bilang test. Kapag may lumabas na confirmation, ready na ang app for daily use.
Ito ang ginagawa ng staff sa counter. Dalawang scenarios:
A. Bagong customer → i-register sila (steps below)
B. Returning customer → i-scan ang loyalty card nila gamit ang Scanner App para ma-credit ang visit, stamp, o reward
Kapag nag-o-order o nagba-bayad na ang customer, tanungin kung gusto nila mag-sign up sa Suki Card (bago) o kung naka-Suki Card na sila (returning). Gamitin ang scripts below.
Bagong customer: Buksan ang registration link o QR code sa phone/tablet ng store.
Returning customer: Buksan ang Scanner App at i-scan ang loyalty card nila.
Ilagay ang basic info ng customer:
Required: First Name, Phone Number (09xx format)
Optional: Birthday (para sa birthday promo)
Bago: I-click ang Submit. Ma-add sila bilang Suki customer at mag-install ang card sa phone wallet nila.
Returning: Automatic na nag-cre-credit ang Scanner ng visit/stamp/reward.
I-inform sila na:
• Nasa Apple Wallet o Google Wallet na nila ang card (bago) o na-update na ang progress nila (returning)
• Makakakuha sila ng rewards sa bawat visit na ma-scan ang card nila
• Kung naka-Growth Suite, may exclusive promos at birthday surprise sila
Ready-made scripts para sa staff. Gamitin ang comfortable sa inyo.
"Hi! First time mo ba dito? Gusto mo ba mag-sign up sa Suki Card namin? Free lang — may rewards ka sa bawat visit at birthday surprise. Name at number lang!"
"Welcome back! Meron ka bang Suki Card? I-scan ko lang para ma-credit ang visit mo today!"
"Para sa birthday mo may special surprise kami — text message with exclusive offer! Birthday mo lang sya so walang spam, promise."
"No problem! Kung mag-change of mind ka, available naman sya anytime. Enjoy your order!"
Kung naka-upgrade kayo sa Growth Suite, once naka-register ang customer, automatic na lahat ng mga ito. Walang gagawin ang staff.
"Hi [Name]! Welcome! Salamat sa pagiging Suki..."
"Hi [Name]! Happy Birthday! Enjoy a special treat..."
"Hi [Name]! Salamat sa pagbisita. We'd love your feedback..."
"Hi [Name]! We miss you! Come back and enjoy 15% OFF..."
"Hi [Name]! Refer a friend and you BOTH get 20% OFF..."
Flash Sale, Buy 1 Take 1, Free Item, Happy Hour, Weekend Special — or custom message
Simpleng bagay na gagawin araw-araw.
Libre para sa customer. Walang bayad para mag-sign up.
Libreng mobile app na naka-install sa store devices (phone o tablet) na ginagamit ng staff para mag-scan ng customer loyalty cards. Bawat scan ay nagcre-credit sa customer ng visit — may dagdag na stamp, points, o ma-redeem ang reward. Full installation guide sa help.suki.cards/docs/how-it-works/
Ang SMS automation ay parte ng Growth Suite upgrade, hindi ng base Grow o Business plans. Sa base plans, kasama na ang buong loyalty card platform — perfect kung gusto mong i-manage ang customer engagement nang manual. I-add ang Growth Suite kahit kailan para mag-enable ng automated review requests, birthday offers, win-back, at referrals.
Okay lang yun! Wag pilitin. I-offer ulit sa next visit.
Kung hindi sila nakatanggap ng Welcome text (Growth Suite only) o hindi nila makita ang card sa wallet, i-check ang number. Pwedeng i-update sa dashboard.
Hindi. Limited ang messages — Welcome, Birthday, at promos lang kung may event. Hindi daily o weekly spam.
Pwedeng tanggalin sa system. Contact lang sa admin o reply STOP sa kahit anong SMS.
Oo — gagana ang card sa kahit anong phone na may Apple Wallet o Google Wallet. Ang SMS automation gagana sa kahit anong phone na may SIM card.
Target: 30-50 Suki sign-ups. Sanay na ang staff sa registration at scanning. Nag-i-install na ang cards sa wallet ng customers.
Target: 100-150 Suki. First Birthday texts (Growth Suite). Send first Promo Blast — immediate foot traffic increase.
Target: 300+ Suki. Win-Back messages nag-papabalik ng inactive customers. Referrals nagde-generate ng bagong customers.
500+ Suki. Isang Promo Blast = 500 personalized texts sa isang click. Regular customers, steady repeat visits. Automatic na ang system.